Connect with us

Aklan News

32 ANYOS NA LALAKI, NASAKSAK 

Published

on

Boracay – Nagtamo ng tama ng saksak sa kanang braso ang isang lalaki matapos masaksak sa isla ng Boracay.

Nakilala ang biktimang si Dolly Carl Samson 32 anyos, residente ng Brgy Solido, Nabas at ang suspek na si Rochie Torio, 33 anyos ng parehong lugar.


Base sa report ng Malay PNP naganap ang insidente mga dakong 5:05 ng hapon araw ng Sabado sa Sitio Tulubhan, Manocmonoc, Boracay

Bago mangyari ang insidente ay kinumpronta umano ng biktima ang suspek patungkol sa kanyang pinost na message sa kanilang group chat, kung saan ay bigla na lamang itong sinaksak ng lasing na suspek.

Kaagad tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa Malay PNP kung saan kaagad din naaresto ang suspek ng mga rumispondeng pulis na ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP sa isla ng Boracay.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *