Connect with us

Aklan News

MENOR DE EDAD NA RIDER AT KAPATID, SUGATAN MATAPOS SUMALPOK SA KOTSE

Published

on

Larawan mula sa Bureau of Fire Protection - Kalibo

Kapwa sugatan ang magkapatid na rider matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse bandang ala-1:30 kaninang hapon sa Diversion Road ng Tigayon, Kalibo.

Nabatid sa report ng Kalibo PNP na ang magkapatid na may edad na 17 at 13 ay kapwa residente ng Albasan, Numancia.


Todo Media Magazine

Samantala, nakilala naman ang driver ng kotse na si Carlo Adrian Aspera ng Roxas City, Capiz.

Napag-alaman din ng kapulisan na papuntang Tigayon, Bukid ang kotse at bago ito lumiko pakaliwa sa isang kanto ay nag-signal light muna umano ito.

Aksidenteng bumangga sa likod ng kotse ang motorsiklo, dahilan upang sumemplang ito at magkaroon ng mga sugat at pasa sa katawan ang dalawang biktima.

Nagtamo naman ng pinsala ang kaliwang bahagi ng kotse.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *