Connect with us

Aklan News

3 TIMBOG SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Kalibo – Sasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws ang tatlong kakabaihan na naaresto dahil sa ilegal na sugal alas 3:50 kahapon ng hapon sa Oyotorong St , Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga naarestong sina Camela Cabuslay, 44 anyos; Arlyn Billiones, 27 anyos; at Ana Roweza Granzo, 37 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Kalibo PNP, nagkataong naroon sa lugar ang isa nilang intel operative para isilbi sana ang isang subpoena nang mapansin umano nito ang paglalaro ng tong-its ng tatlo sa isang bahagi ng compound doon.

Dahil dito, kaagad tumimbre sa mga kasamahan ang nasabing pulis, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Dinala sila sa Kalibo PNP station kasama ang narekober na P444.00 na pera at 1 set ng baraha, para sa karampatang disposisyon.

Tumanggi nang magbigay pahayag tungkol dito ang mga suspek.