Connect with us

Aklan News

3 TIMBOG SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Image|Buruanga PNP

Tatlo ang arestado dahil sa ilegal na sabong bandang alas 8:20 kaninang umaga sa Sitio Bagaas, Balusbos, Buruanga.

Nakilala ang mga naarestong sina Donel Zulita, 36 anyos ng El Progreso, Buruanga; Fritz Patricio, 32 anyos, at Antonio Casungcad, 42 anyos, kapwa residente ng naunang nabanggit na lugar.

Ayon kay PLt. Joselito Fernandez, hepe ng Buruanga PNP, kaagad nilang sinugod ang lugar matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa ilegal na sabong na nagresulta sa pagkakadakip ng mga nasabing suspek at pagkakarekober din ng 4 na manok panabong at P720.00 na pera.

Pansamantala namang ikinustodiya ng Buruanga PNP ang mga naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law of 1974 na isasampa laban sa kanila.