Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT TRAYSIKEL

Published

on

Balete – Tatlo ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at traysikel mag-aalas 5:00 nitong hapon sa highway ng Sitio Kabuhian, Aranas, Balete.

Nakilala ang mga biktimang sina Christian Caban, 22 anyos na driver ng motorsiklo na taga Sitio Mapait, at angkas nitong si Romel Parani, 31 anyos ng Sitio Kutkot, at driver ng traysikel na si April Joy Villanueva, 23 anyos ng Sitio Sumaeagi, lahat sa nasabing barangay.


Todo Media Magazine

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Balete PNP, galing Kalibo papuntang Aranas ang motorsiklo, ngunit na overshoot umano ng driver ang kurbadang kalsada, rason na nabangga nito ang traysikel na minamaneho ni Villanueva.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo sa kalsada na ikinasugat nina Caban at Parani, na kaagad namang isinugod sa ospital.

Mapalad namang minor injury lamang ang tinamo ni Villanueva sanhi ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *