Connect with us

Aklan News

3 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Kalibo

Published

on

By

Ospital ang bagsak ng tatlong rider ng motorsiklo matapos maaksidente kaninang madaling araw sa bayan ng Kalibo.

Unang naaksidente alas-dos kaninang madaling araw ang biktimang si John Elmer Almero, nasa legal na edad, residente ng Sitio Libtong, Estancia.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang biktima sa minamanehong motorsiklo galing sa direksyon ng Mobo papuntang Kalibo dahil na rin sa kalasingan.

Dahil dito, nagtamo si Almero ng sugat sa ulo at mukha.

Sunod naming naaksidente sa lugar ang dalawang rider ng motor na kinilalang si Silvestre Magallanes at Joseph Salazar mga taga Antipolo, Rizal.

Nawalan din ng balanse ang dalawa at sumemplang sa kalsada.

Humampas sa sementadong kalsada ang ulo ni Magallanes na kasalukuyan nang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *