Connect with us

Aklan News

3 motor nagkarambola sa Linabuan Norte, Kalibo

Published

on

By

PHOTO: Kalibo Fire Station

Sapul sa CCTV ang pagkarambola ng tatlong motorsiklo sa bahagi ng national highway sa may Osmeña Ave, Brgy. Linabuan Norte, Kalibo nitong Linggo, Hunyo 4.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, makikitang galing sa Romero road at akmang magle-left turn sana papuntang Osmeña Avenue ang biktimang si John Patrick Beltran, 20, ng Linabuan Norte nang masagi ito ng Rusi motorcycle na minamaneho ni Pamel Ucag, 24 anyos, residente ng San Juan, Jamindan, Capiz.

Nadamay din dito ang mag-inang sina Mariel Kaye Alo, 21 anyos at Maribeth Alo, 49 anyos na sakay ng Suzuki Smash.

Kapwa sumemplang sa kalsada ang mga biktima at nagtamo ng mga minor injuries na nilapatan naman kaagad ng first aid ng mga medical responders.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *