Connect with us

Aklan News

3 MANGINGISDA, NAILIGTAS MATAPOS TUMAOB ANG BANGKA DAHIL SA MALAKAS NA HANGIN

Published

on

Photo| Abante.com

Tatlong mangingisda ang nailigtas matapos tumaob ang kanilang bangka bandang alas 11:30 kagabi sa karagatang bahagi ng Sibuyan Sea.

Nakilala ang magkapatid na sakay ng bangka na sina Rey Patricio, 37 anyos at Reynaldo Patricio, 23 anyos at 1 pang kasama nila sa bangka na isa naman nilang kapamilya, lahat residente ng Lambingan-Baybay, Andagao, Kalibo.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Rey, sinabi nito na nangingisda sila kagabi nang biglang pataubin ng malakas na hangin ang kanilang bangka.

Mapalad naman umanong nailigtas sila ng ibang mangingisda bandang ala 1:00 kaninang madaling araw, subali’t sinabi ni Rey na naunang nailigtas ang 2 niyang kasama para makahingi ng saklolo, habang palutang-lutang umano siya sa tubig.

Nagkataon namang may nakarinig na mangingisda sa kanya na si Saturnino Ordas habang pinahatid naman siya nito sa Tangalan PNP Station sa kapatid nitong si Paulo Ordas.

Kinumpirma naman ni Rey na ihahatid umano siya ng Tangalan PNP patrol sa kanilang bahay.