Connect with us

Aklan News

3 lalaki arestado sa Pontevedra, Capiz dahil sa kasong frustrated homicide

Published

on

Arestado ang tatlong lalaki sa Brgy. Igtongcan, Pontevedra, Capiz matapos serbehan ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide.

Kinilala ang mga akusado na sina Ben Valentino alyas “Hapon”, 36-anyos, mangingisda at Romeo Galvez, 30, magsasaka, at Rene Baculinao, 33, pawang mga residente ng nasabing lugar.


Ang warrant ay isinerbe ng mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si PMaj Cristopher Candelario.

Ang warrant ay inilabas at nilagdaan ni Hon. Henry Avelino, Presiding Judge, 2nd MCTC, Pontevedra-Panay 6th Judicial Region, Pontevedra, Capiz.

Php36,000 bawat isa ang itinakdang piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa Pontevedra PNP Station ang mga akusado.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *