Connect with us

Aklan News

3 barangay sa Kalibo, kumpirmadong may kaso ng ASF

Published

on

By

Nakapasok na ang African Swine fever sa tatlong barangay sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Uriel Las Piñas, spokesperson at hepe ng Municipal Agricultural Division ng LGU Kalibo, ito ay ang mga Barangay Caano, Pook at Poblacion.

Base umano sa opisyal na resulta mula sa laboratoryo ng Department of Agriculture sa Iloilo nitong Miyerkules, lumalabas na nagpositibo sa ASF ang isang baboy mula sa Poblacion.

Nagnegatibo naman ang mga blood samples na kinuha mula sa mga baboy sa Linabuan Norte.

Samantala, hinihintay pa ang resulta ng iba pang mga samples mula sa Brgy. Briones at Mabilo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *