Connect with us

Aklan News

3 BABAE, KULONG MATAPOS MAHULI SA AKTONG NAGLALARO NG TONG-ITS

Published

on

By

Kulong ang tatlong kababaihan matapos mahuli sa aktong naglalaro ng tong-its kagabi sa Brgy. Habana, Nabas.

Kinilala ang mga naarestong sina Romailyn Manjac, 42 anyos; Hydee Bartolo, 53 anyos at Evelyn Antonio, 56 anyos, lahat mga taga Habana, Nabas.

Sa report ng Nabas PNP, nahuli ang tatlo na naglalaro ng tong-its sa mismong bahay ni Antonio.

Narekober sa posisyon ng mga naaresto ang kabuuang P1,685 na perang ginamit na pangtaya.

Kinumpiska rin ang mga barahang ginamit sa pagsusugal.

Pansamantalang ikinustodiya ang tatlo sa Nabas PNP para sa karampatang disposisyon. MAS/RT