Connect with us

Aklan News

3 ARESTADO SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL

Published

on

Tatlo ang arestado dahil sa iligal na pagsusugal pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Sitio Hagakhak Brgy. Bay-bay, Makato.

Nakilala ang mga naarestong sina, Jemina Biason, 21 anyos; Allen Undang, 28 anyos; at ZALDY Acutillar, 52 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Makato PNP, naaktuhan umano ang mga suspek habang naglalaro ng ‘Tong-its’ sa bakanteng lote malapit sa bahay ng suspek na si Undang.

Kasunod nito, nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng baraha, at kabuuang P694.00.

Kaagad din silang inaresto at inimbentaryo ang mga nakumpiskang ebidensya sa harap ni Hon. Quirico Torrefiel, Barangay Kagawad ng nasabing lugar.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Makato PNP Station at sinampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Laws.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *