Connect with us

Aklan News

27 EMPLEYADO NG MKWD TINAMAAN NG COVID-19, OPISINA SARADO HANGGANG AGOSTO 20

Published

on

By

Mananatiling sarado hanggang Agosto 20 ang opisina ng Metro Kalibo Water District (MKWD) ayon kay General Manager Lydio Ureta.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Ureta na 27 kasi sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa sakit.

Sa nasabing bilang, 15 ang active cases kung saan 13 ang naka-home quarantine at dalawa ang nagpapagaling sa ospital habang 12 naman ang fully recovered na.

Dahil dito, pansamantala munang sinarado ang opisina ng MKWD noong August 13-18, 2021.

Pero ayon kay Ureta, mag-eextend pa sila ng dalawang araw, August 19-20, 2021 at magbabalik operasyon sa Lunes, August 23.

Dagdag pa ni Ureta ang mga consumer na may lagpas sa due date at hindi nakabayad ng kanilang water bill ay walang babayarang multa.

Maaari rin aniya silang magbayad sa pamamagitan ng ilang money remittance centers.