Connect with us

Aklan News

26 anyos na lalaki, patay sa pananaksak ng pinsan

Published

on

By

Nasawi ang isang lalaki matapos pagsasaksakin umano ng sarili niyang pinsan dakong ala-11 kabie.

Kinilala ang biktimang si Michael Placido, 26 na taong gulang ng Mercedes, Madalag at ang suspek na si Allen Placido Dela Cruz, 42 taong gulang ng Linabuan Sur, Banga.

Batay sa ulat, nagtamo ng apat na tama ng pananaksak ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman na palagi umanong nag-aaway ang magpinsan batay sa mga residenteng nagdala sa biktima sa ospital.

Samantala, nakakulong na ngayon sa Banga PNP station ang nasabing suspek.