Connect with us

Aklan News

24 NA MGA STAFF NG BORACAY HOSPITAL, NEGATIVE SA COVID-19

Published

on

NEGATIVE sa COVID 19 ang confirmatory test sa 24 na mga staff ng Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sa Boracay.

Ito ay base sa pinakahuling test result na ipinalabas ng Western Visayas Medical Center, Department of Pathology, Sub-National laboratory.


Ang mga ito ay nakasama ng 37 years old na Doctor na nagpositibo noong nakaraang Marso.

Isang staff pa na kasamahan nila ang hinihintay pa ang resulta ang test.

Ang mga ito ay nauna nang isinailalim sa hospital quarantine kung saan pansamantalang isinara ang nasabing hospital.

Negatibo din ang isang pasyente na nagkaroon ng direct contact sa nagpositibong Doctor.

Samantala, negatibo din ang resulta ng test sa 7 mga kasamahan sa bahay ng ika-anim na Aklan Covid 19 positive na taga Kalibo.

Negative din ang resulta ng test sa isang Person Under Investigation na naka quarantine sa Aklan Training Center.

Ayon sa Aklan Provincial health Office, may dalawang result na lang silang hinihintay mula sa WVMC.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *