Connect with us

Aklan News

24-anyos na construction worker, aksidenteng nakuryente sa Banga, Aklan

Published

on

By

Ino-obserbahan pa sa ngayon ang isang construction worker matapos na aksidenteng makuryente sa Brgy. Mambog, Banga, Aklan nitong Oktobre a-7.

Kinilala ang biktimang si John Paul Villas, 24, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa BFP Banga, aksidente umanong nahawakan ni Villas ang wire ng electric fan sa mismong bank housing ng kanilang pinagtatrabahuhang construction site.

Posible umanong may leak o sira ang wire ng electric fan dahilan ng pagkakuryente ng biktima.

Dahil sa nangyari, nawalan ng malay at nagtamo ng galos sa bahagi ng kanyang bibig at ulo si Villas.

Kaagad naman itong isinugod sa Aklan Provincial Hospital.

Sa ngayon ay nananatiling confine si Villas sa ospital habang inoobserbahan pa ng mga doctor.