Connect with us

Aklan News

24 ANYOS NA BINATA, PATAY SA BIGTI

Published

on

Isang 24 anyos na college graduate ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kaninang umaga sa isang barangay sa bayan ng Makato.

Ayon sa kay PSgt. James Padasas, Officer on Case ng Makato Municipal Police Station, nakatanggap sila ng report dakong alas 8:45 ng umaga Abril 4 taong kasalukuyan at agad nila itong nirespondihan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nabatid na ang biktima ay tubong Libacao at nakatira sa bahay ng kanyang tiyahin kasama ng isang 22 anyos na school girl.

Batay sa pahayag ng school girl sa mga kapulisan, maagang umalis papuntang trabaho sa bayan ng Ibajay ang tiyahin ng biktima at pasado alas 8 :00 ng umaga ay kanya itong kinatok para gisinging ang biktima ngunit hindi ito sumasagot kaya minabuti niya na buksan ang pinto.

Laking gulat niya nang makita ang nakabitin at wala ng buhay na biktima sa loob ng kwarto.

Dagdag pa ni Padasas na walang nakita na suicide note o foul play sa nanyaring insidente.

Kaugnay nito, tatlong araw na raw na kaunti lang kumain at nagkukulong sa kwarto ang nasabing binata.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.