Connect with us

Aklan News

22 ANYOS NA DALAGA, BINARIL PATAY

Published

on

Kalibo – Dead on arrival sa ospital ang isang 22 anyos na dalaga matapos umanong barilin bandang alas 7:20 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Nadynne Faith Medina, residente ng nasabing lugar.


Base sa inisyal na imbistigasyon ng Kalibo PNP, naglalakad pauwi sa eskinita ang biktima kasama ang kanilang ina at nakababatang kapatid nang sundan umano sila ng isang di nakilalalang suspek at binaril ang biktima sa kaliwang dibdib at tiyan.

Kaagad din umanong tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, narekober naman sa crime scene ang isang empty shell o basyo ng baril na kalibre .45, 3 face shield, at cp ng biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *