Connect with us

Aklan News

21-anyos na lalaki kalaboso sa drug buybust ops sa bayan ng numancia

Published

on

By

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa sa Barangay Joyao-joyao, Numancia nitong gabi ng Sabado, Setyembre a-24.

Nakilala ang suspek na si Mark Wendel Nahil residente ng nasabing lugar.

Naaresto si Nahil sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng PDEU-Aklan at Numancia PNP kung saan nabilhan ito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa isinagawang body search sa suspek, nakuha sa kanyang posisyon ang P2,200 na mark money at dagdag na dalawang sachet ng illegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Todo sa ama ng suspek, sinabi nitong panganay niyang anak si Mark Wendel at halos lahat ng oras nito ay napupunta sa kanyang barkada.

Saad pa ng kanyang ama, wala siyang ideya sa ginagawa ng kanyang anak.

Dagdag pa nito, “hay kung habatian ko eagi ron, ako ta eagi kana mapadakop.”

Samantala ayon naman kay PMAJ Fidel Gentallan hepe ng Numancia PNP, si Nahil ay isang new identified personality pagdating sa illegal na droga sa nasabing bayan.

Dagdag pa ng hepe, may  ilang araw na nilang minomonitor ang suspek bago ikinasa ang nasabing operation.

Mahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang akusado.|SM