Connect with us

Aklan News

36-ANYOS NA MOTORISTA, SUGATAN MATAPOS SUMALPOK SA TRAYSIKEL

Published

on

Kalibo – Sugatan at confined ngayon sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa isang traysikel na puno ng ‘ukay-ukay mag-aalas 9:00 kagabi sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Ydsel Ian Buco, 36 anyos, habang nakilala naman ang driver ng traysikel na si Salman Lininding, 20 anyos, kapwa residente ng Camanci Norte, Numancia.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section, kapwa galing Banga papuntang Poblacion, Kalibo ang dalawa nang mabangga umano ni Buco ang likurang bahagi ng nasabing traysikel, rason ng kanyang pagkakatumba sa kalsada.

Nagtamo siya ng sugat at pinsala sa katawan sanhi ng insidente.

Samantala, pansamantalang dinala sa Kalibo PNP ang motorsiklo at traysikel para sa karampatang disposisyon kasama ang drayber ng topdown.

Nabatid na nangangamoy alak umano ang biktimang si Buco nang magmaneho ng motorsiklo.