Connect with us

Aklan News

30-Taon na Wanted sa kasong Murder, Timbog

Published

on

Timbog sa operasyon ng mga kapulisan ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa bayan ng Makato may 30 taon na ang nakalipas.

Sa ulat, nadakip ang suspek na si Arnel Obnias, sa legal na edad, tubong Brgy. Tugas, Makato na naaresto kahapon sa Blk 64 Unit 9, Phase 3, Brgy Bitung Norzagaray, Bulacan.

Naaresto ng Makato PNP sa tulong CIDG DSOU Rizal ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 3201 na inilabas ni Hon. Mario Guarina III Presiding Judge, Regional Trial Court, Kalibo, Aklan, 6th Judicial Region. Branch 4 noong October 1990.

Nabatid na unang naaresto ng Malabon PNP nitong March 23, 2021 ang kanyang kasabwat na si Efren Tapleras.

Nasa kustodiya pa ngayon ng CIDG Bulacan ang naarestong suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *