Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER NA TAGA CAPIZ, ARESTADO SA BUY BUST SA KALIBO

Published

on

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang 31 anyos na construction worker na nagbebenta ng droga sa Kalibo.

Naaresto sa buy bust operation ngayong tanghali sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia ang suspek na si Jomar Apolinario ng Tisa, Roxas City.


Ayon sa hepe ng Kalibo PNP na si PLt.Col Belshazzar Villanoche, dalawang linggo na nilang minamanmanan ang suspek na napag-alaman na nagdedeliver ng droga sa mga parokyano sa Kalibo.

Nakuha sa suspek ang 2 sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P2000 na buy bust money.

Bukod pa rito, nakuhaan pa si Apolinario ng isang sachet ng shabu na nakaipit sa napkin na inilagay nito sa kanyang underwear.

Sa naging panayam ng Radyo Todo sa suspek, itinanggi nito na sa kanya ang mga nasabing droga.

Kasong paglabag naman sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek

Program/Beat: Anchorman Todo Arangkada from 5-6pm, Police reporter /Capitol reporter from 5-11Am
Years/background in Media works: From 1987 up to now.
Why chose this profession: To serve as public service for the greatest good and for the greatest number.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *