Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGTITINDA NG GASOLINA ARESTADO

Published

on

Photo courtesy of Nabas PNP

Nabas – Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Nabas PNP ang isang lalaki mga dakong 1:00 kaninang hapon matapos magbenta ng tingi-tinging gasolina sa Brgy. Laserna, Nabas.

Nakilala ang naaresto na si Allan Jadia 45 anyos at residente ng nasabing lugar.


Ayon kay Police Corporal Andrew Andrade ng Nabas PNP na nakatanggap umano ng reklamo ang kanilang himpilan sa illegal na pagtitinda ng tingi-tinging gasolina ng nasabing suspek.

Dahil dito ay kaagad nag sagawa ng entrapment operation ang Nabas PNP kung saan nagpanggap ang dalawang pulis na bibili ng 10 litro ng gasolina sa suspek kapalit ng P600 na mark money.

Nang matanggap na ng suspek ang pera ay doon na nagpakilala ang dalawang pulis at kaagad hinanapan ng permit ang suspek sa pagbibenta nito.

Dahil walang naipakitang permit ang suspek agad itong inaresto ng mga otoridad.

Narekober ng mga pulis ang 4 na container na Puno ng gasolina, 1 container na may bawas na at 9 na malaki at 13 na malilit na boteng may gasolina.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng nabas PNP ang suspek na nakatakda namang sampahan ng kasong pag labag sa PD 1865 o illegal Trading of Petroleum Products.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *