Connect with us

Aklan News

DAHIL SA NAHULOG NA BAGA, BAHAY NATUPOK

Published

on

Cabangila, Altavas – Tinupok ng apoy ang isang bahay bandang alas 10:00 kaninang umaga sa Sitio Sapa, Cabangila, Altavas.

Base sa report ng Bureau of Fire Altavas, pagmamay-ari ni Kristine Valentin ang bahay na gawa sa mixed materials.


Base sa inisyal na imbestigasyon BFP Altavas, nabatid na nagsimula ang apoy mula sa bagang nahulog mula sa kanilang lutuan.

Mabilis umanong kumalat ang apoy, subalit masuwerte namang nakalabas ang dalawa nilang anak na iniwan saglit ni misis para sunduin ang kanyang mister sa pinagtatrabahuan nito.

Ayon pa sa BFP Altavas, nasusunog pa ang bahay pagdating nila, subalit kaagad naman nila itong naapula.

Wala namang ibang nadamay o nasugatan sa insidente.

Tinatayang nasa P20,000.00 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *