Connect with us

Aklan News

KASO NG COVID-19 SA LIBACAO, PATULOY NA TUMATAAS

Published

on

Libacao, Aklan – Umabot sa 27 kaso ng Covid 19 ang naitala sa bayan ng Libacao sa loob lamang ng 9 na araw.

Ayon kay Libacao RHU Head Dr. Aldrinne Fernandez, 27 na ang aktibong kaso ng Covid19 sa ngayon sa bayan ng Libacao at 18 pa ang isinailalim sa swab testing na high risk sa ilang nag positibo sa nasabing sakit.


Kabilang sa mga barangay na may aktibong kaso ng covid ay ang Poblacion, Janlud at Julita.

Wala namang lockdown na ipinatulad sa mga nabanggit na barangay na may mga kaso ng nakakahawang sakit.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mga ito sa Covid Facility.

Nanawagan din si Fernandez na iwasan muna ang mga pagtitipon tipon at sundin ang mga ipinapatupad na health protocols.

Sa kabuuan ang bayan ng Libacao ay nakapagtala na ng 72 individual na tinamaan ng Covid19.

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *