Connect with us

Aklan News

BAR AT RESTAURANT OWNERS NA ITINUTURONG PINAGMULAN NG PAGDAMI NG COVID CASES SA BORACAY, SINAMPAHAN NA NG KASO

Published

on

Boracay Island – Sinampahan na ng kaso ng Malay PNP ang apat na may-ari ng establisimento sa Isla ng Boracay na sinasabing pinag mulan kung bakit kumalat ang kaso ng CoViD-19 sa Isla .

Ayon kay Lt. Col. Don Dicksie De Dios chief of Police ng Malay PNP na naisampa na ang kasong pag labag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Deseases and Health Events of Public Health Consern Act.


Kinumpirma rin nito sa panayam ng Radyo Todo na noong nakaraang April 15 natanggap ng Aklan Provincial Prosecutors Office ang kasong inihain ng Malay PNP laban sa apat na may-ari ng establisimento matapos mag violate ito sa Health Protocol sa Isla.

Hindi na rin nito pinangalanan ang mga nasabing establisimento at may ari nito dahil nasa korte na ang kaso.

Ipinasiguro naman ni De Dios sa mga taga bayan ng Malay at Isla ng Boracay na walang pinipili ang kanilang implementasyon ng health protocol at mga ordinansa sa isla kagaya ng pagsuot ng face mask.

Sinabi rin nito na mahigpit paring ipinagbabawal ang Operation ng mga bar sa Boracay .

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *