Connect with us

Aklan News

ABANDONADONG BAHAY, NASUNOG

Published

on

New Washington – Nasunog ang isang abandonadong bahay sa Sitio Naga, Poblacion, New Washington, bandang ala 1:30 kaninang madaling araw.

Ayon sa BFP (Bureau of Fire) New Washington, gawa sa mixed materials ang nasunog na bahay na pagmamay-ari ni Connie Bragancia, na kasalukuyang residente ng Polo, New Washington.


Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, tinatayang nasa P50,000.00 ang halagang iniwan ng sunog na pinagtulungang labanan ng mga bombero at iba pang rescuers ng humigit-kumulang kalahating oras.

Mapalad namang walang nadamay na iba pang bahay o nasugatan sa nasabing sunog.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *