Connect with us

Aklan News

BABAENG MAY DIABETES NAMATAY;KAPATID NAG-POSITIBO SA COVID19

Published

on

Makato Aklan-Namatay sa sakit ang isang 54 anyos na babaeng may diabetes at nag positibo rin sa covid 19 ang kanyang nakakatandang kapatid na taga Barangay Calangcang Makato Aklan.

Ayon kay Calangcang Punong Barangay Neil Tumbokon namatay noong araw ng lunes ang nasabing biktima dahil sa nasabing sakit at agad rin itong inembalsamo.


Dahil nakaranas ng sintomas ng covid 19 ang kanyang nakakatandang kapatid na 68 anyos na babae kaya isinailalim ito sa swab test kahapon at nag positibo ito at kasalukuyang naka-confined sa Aklan provincial hospital.

Matapos malaman na nag positibo ang nakakatandang kapatid agad na pinacremate ang biktima.

Ayon pa kay Punong Barangay Tumbokon 21 katao ang isinailalim sa swab testing ngayong araw na may close contact sa nag postibo.

Labing limang pamamahay naman ang naka isolate sa nasabing lugar sa ngayon.

Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng Barangay at iba pang ahensya para maagapan ang palaganap ng nakakahawang sakit.

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *