Connect with us

Aklan News

BIGTIME DRUG PUSHER, TIMBOG SA IBAJAY; 270K PESOS NA HALAGA NG SHABU, NARECOVER SA SUSPEK

Published

on

Ibajay, Aklan – Umaabot sa P270k ang halaga ng shabu na narekober sa isang ‘big time drug pusher’ sa isang buy bust operation alas 7:40 nitong gabi sa Brgy. Laguinbanua, Ibajay.

Kinilala ni PLTCol. Frensy Andrade, Chief ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit, ang suspek na si Melquiadez Gomez, 61 anyos, tubong Surigao Del Sur, at kasalukuyang residente ng Purok 4, Brgy. Laguinbanua.


Narekober sa nasabing operation ang 1 plastic sachet ng shabu kapalit ng P25,000 na buy bust money, habang karagdagang pitong bulto pa ang narekober sa suspek sa isinagawang body search sa kanya.

Aminado naman ang suspek sa kanyang nagawang krimen subali’t sinabing ipinadeliver lamang ang mga ito sa kanya ng babaeng si “Andrea” galing sa Kalibo at para kay “Kalbo” sa Ibajay kapalit ng P2,500.00 na suhol.

Ayon pa sa suspek, kaninang umaga pa nang napasakamay niya ang droga at ngayong araw lang sya nag umpisa sa gawaing ito.

Matapos ang inventory ay kaagad na dinala ng mga otoridad ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

via | TBK Malbert Dalida

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *