Connect with us

Aklan News

LALAKING LUMABAG SA CURFEW NA NAHULIHAN NG SUMPAK, SINAMPAHAN NA NG KASO

Published

on

Boracay, Aklan- Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act ang isang 25 anyos na lalaki matapos itong mahulihan ng sumpak sa isla ng Boracay.

Nakilala ang naaresto na si Aldren Batiles, 25 anyos ng Balagtasan, Madalag at kasalukuyang naninirahan sa Talipapa-Bukid, Sitio Manggayad, Brgy. Manocmanoc, Boracay.


Basi sa report ng Malay PNP na sinita ng nagpapatrolyang pulis ang suspek mga dakong 12:20 ng madaling araw ng Byernes matapos itong lumabag sa Municipal Ordinance No.410 at 417- 2020 section A at B o Mandatory Wearing of Face Mask at Curfew Hours.

Nang nilapitan umano ito ng pulis at tinanong kung anu ang kanyang bitbit ay bigla na lamang itong tumakbo na agad namang hinabol at nahuli ng mga pulis.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang improvised Homemade firearm o sumpak na may isang bala.

Nakatakdang iremit ngayong araw sa ARC ang suspek matapos mabigo na makapag piyansa ng P120k para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *