Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG MANGINGISDA NA NAWALA MATAPOS BANGGAIN NG BARKO ANG SINASAKYANG BANGKA, NATAGPUANG LUMULUTANG

Published

on

Natagpuang palutang-lutang sa tubig ang patay na katawan ng isang mangingisda sa baybayin na sakop ng bayan ng Tangalan kaninang tanghali.

Walang tigil ang ginawang paghahanap ng mga rescuers sa biktimang si Ricky Peralta ng Brgy. Bachao Norte, Kalibo na isa sa tatlong mangingisda na sakay ng bangka na umano’y nabangga ng isang barko sa karagatan na sakop ng probinsya ng Masbate at Capiz nitong Sabado.


Nakaligtas ang dalawang kasamahan nito na sina Jerald Retos at Leo Arelas sa pagsisikap na makalangoy habang siya naman ay hindi kasamang nakaahon at napaulat na nawawala.

Hindi pa ngayon matukoy kung anong cargo ship ang nakabangga sa bangka ng tatlong mangingisda.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *