Connect with us

Aklan News

INA, KULONG NANG SABUYAN NG KUMUKULONG TUBIG ANG 1-ANYOS NA ANAK

Published

on

Photo for illustration purposes only/www.momendeavors.com

Kulong ang isang 25-anyos na ina sa eastern Japan makaraang sabuyan ng kumukulong tubig ang kanyang 1-anyos na anak na babae.

Inamin ng inang si Kana Watanabe, residente ng Takasaki, Gunma Prefecture ang kanyang nagawa.

Depensa nito, nawalan lamang siya ng kontrol dahil sa walang tigil na pag-iyak ng kanyang anak.

Pag-aamin pa ni Watanabe, halos isang minuto niyang binuhusan ng kumukulong tubig mula sa heater ang kanang kamay ng kanyang anak nitong Lunes.

Nagtamo ng lapnos ang paslit, kasabay nito, sinabing posibleng masangkot sa child abuse ang kanyang ina.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.