Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMATAWID SA KALSADA, NABANGGA NG MOTORSIKLO

Published

on

Kalibo – Confined sa isang pribadong ospital ang isang lalaki matapos umanong mabangga ng motorsiklo bandang alas 10:30 kagabi sa bahagi ng Jaime Cardinal Sin, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Stephen Dela Rosa, 62 anyos ng nasabing lugar, habang nasa kustodiya naman ng Kalibo PNP Station ang babaeng driver ng motorsiklo na si Jodelyn Rencio, 36 anyos ng Mataphao, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa New Washington ang nagmomotorsiklong si Jodelyn angkas ang kanyang anak nang mabangga nito ang biktima.

Subalit ayon kay Jodelyn, hindi umano nito napansin ang pagtawid ng biktima dahil may kadiliman ang lugar, at hindi naman mabilis ang kanilang takbo dahil hindi naman nga sila nasugatang mag-ina.

Samantala, kaagad dinala sa ospital ang biktima dahil sa iniinda nitong pinsala sa katawan sanhi ng insidente.

Kaugnay naman nito, nabatid na sasampahan ngayong umaga ng kasong Reckless Imprudence Resulting In Physical Injury ang nasabing driver na napag-alamang walang driver’s license, at wala ring rehistro ang motorsiklong hiniram lamang nito.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *