Connect with us

Aklan News

PARI SA KALIBO CATHEDRAL, DINAPUAN NG COVID-19

Published

on

Photo| Flickr.com

Isang pari sa Cathedral Parish of St. John the Baptist, Kalibo ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa public announcement ng Diocese of Kalibo, nagkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive si Rev. Fr. Arvic Jimenez nitong nakaraang Lunes, April 26, 2021.

Kusa siyang nag self-isolate saka inilipat sa COVID-19 facility ng Kalibo makalipas ang isang araw.

Sabado nang kuhaan si Fr. Jimenez ng swab specimen at lumabas na positibo ito sa COVID-19 kahit na siya ay asymptomatic.

Kinuhaan na rin ng swab test at nagnegatibo sa virus Fr. Jesse Pandongon na kanyang kasama sa Team Ministry ng Cathedral.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *