Connect with us

Aklan News

LALAKING LUMABAG SA CURFEW, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG PATALIM

Published

on

Arestado ang isang lalaking lumabag sa curfew matapos mahulihan ng patalim alas 11:00 kagabi sa Poblacion, Malinao.

Kaugnay nito, sasampahan ng kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon ang suspek na si Kevin Rivera, 25 anyos ng Tinapuay, Banga.

Ayon sa Malinao PNP, natiyempuhan umano ng mga nagrorondang pulis ang suspek habang nagmomotorsiklo kasama ang di na pinangalanang angkas, kung kaya’t sinita sila dahil sa kanilang paglabag sa curfew.

Subali’t nakita umano ng mga pulis ang nakausling patalim sa beywang ni Rivera rason ng kanyang pagkakaaresto at pagkumpiska ng kanyang patalim.

Ayon pa sa Malinao PNP, sinabi umano ng suspek na hindi nito napansin na may kutsiyo pala sa kanyang beywang.

Sa kabila nito, pansamantala siyang ikinostodiya sa Malinao PNP Station para sa karampatang disposisyon.
Samantala, nabatid na natikitan din ang suspek at kanyang kasama dahil sa paglabag nila sa curfew.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *