Connect with us

Aklan News

EX-MAYOR WILLIAM LACHICA, SINAGOT ANG PROPAGANDA LABAN SA KANYA AT KAPATID NA SI MAYOR EMERSON LACHICA

Published

on

“Ayawan sanda it samad sang pagkatawo ay sayod man ro pumueoyo kun nano akong klaseng tawo.”

Ito’y pahayag ni dating Mayor William Lachica matapos mariing itanggi ang paratang na umano’y pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang lupa ni Mel Robles na balak bilhin ng munisipyo ng P80, 000,000 para pagtayuan ng relocation site ng mga vendors sa Kalibo Public Market.

Isang poster ang iniwan sa may likod ng munisipyo na may titulong GUS TO ITO (Utak Lechika) ang nagsasabing si ex-mayor William Lachica at kapatid nitong si Mayor Emerson Lachica ang utak ng pag-utang ng milyon-milyon sa bangko.

Itinanggi ni Lachica ang mga nakasulat sa poster, tapos na umano ang kanyang termino kaya wala na siyang kinalaman dito. May titulo rin aniya ang nabanggit na lupa na nakapangalan kay Robles.

Paniniwala ni Lachica, may kinalaman ang propaganda sa kanyang balak na pagtakbo bilang gobernador sa May 2022 elections.

Bukod sa magkapatid na Lachica, nadawit rin ang pangalan ni SB member Augusto Tolentino sa sinasabing anomaliya na kanya ring mariing pinabulaanan at sinabing ito ay pamumulitika lamang laban sa magkapatid.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *