Connect with us

Aklan News

7 ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Sasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 449 o paglabag sa Illegal Cockfighting Law of 1974 ang pitong naaresto dahil sa ilegal na sabong pasado alas 2:00 kahapon ng hapon sa Bubog, Numancia.

Nakilala ang mga naarestong sina Ronnie Delgado, 51 anyos ng Alibagon, Makato; Freddie Sauza, 55 anyos ng Bubog, Numancia; Arjay Adonay, 39 anyos ng Laguinbanwa, West, Numancia; Claries Delos Santos 57 anyos ng Badio, Numancia; Procolo Villanueva, 62 anyos ng Bubog, Numancia; Rey Talabucon, 58 anyos ng Bubog, Numancia; at Roger Talabucon, 37 anyos ng Bubog, Numancia.

Sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation ng Numancia PNP, naaresto ang mga suspek at narekober ang 5 manok-panabong, 2 tari, 1 electrical tape na ginagamit umano sa pagtali sa tari ng manok, at kabuuang P2,020.00 na pera.

Pansamantala silang ikinostodiya sa Numancia PNP Station habang inihahanda ang naturang kaso na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *