Connect with us

Aklan News

5 KATAO, ARESTADO SA ILLEGAL NA SUGAL SA NABAS

Published

on

Nabas Aklan – Arestado ang limang katao dahil sa illegal na sugal dakong 5:00 ng hapon kahapon sa Brgy. Buenavista, Nabas, Aklan.

Nakilala ang mga naaresto na sina Enrixel Caña, 58 anyos; Ronald Apolinario, 46 anyos; Lani Balidio, 41 anyos; Eduardo Espino, 60 anyos, at Lolita Manocan, 86 anyos. Lahat ay residente ng nasabing lugar.

Narekober sa operation ang isang set ng baraha at perang nagkakahalaga ng PhP431 na pusta sa larong bet game, samantalang PhP361 pesos naman ang nakuha ng mga pulis sa kabilang mesa kung saan naglalaro ng Tong its ang tatlong suspek na nakatakas.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Nabas PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-illegal gambling.

via TBK Reynald Bandiola

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *