Connect with us

Aklan News

RIDER NA UMIWAS SA CHECKPOINT, NAAKSIDENTE MATAPOS MAKIPAG KARERA SA MGA PULIS

Published

on

Kalibo – Minalas na naaksidente at nasugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong ‘makipagkarera’ sa mga pulis nang umiwas ito sa checkpoint alas 8:00 kagabi sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang rider na si Rex Dela Rosa, 27 anyos ng Venturanza, Banga.

Ayon sa Kalibo PNP, galing sa direksyon ng Banga ang rider nang parahan ng mga pulis sa checkpoint subalit sa halip na huminto, sinasabing pinaharurut umano nito ang kanyang motorsiklo, rason na hinabol siya ng mga pulis.

Minalas namang sumemplang ang kanyang motorsiklo, rason ng tinamo nitong sugat sa tuhod.

Ayon pa sa Kalibo PNP, tumangging magpagamot sa ospital ang rider, subalit hinatid nalang siya ng mga pulis sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuan bilang assistant cook dahil magluluto pa ito kinabukasan.

Samantala, sinabi naman ng Kalibo PNP na haharapin parin ni Dela Rosa ang kanyang mga bayolasyon o paglabag lalo pat nabatid na nasa impluwensiya ito ng alak nang magmaneho ng motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *