Connect with us

Aklan News

LALAKI ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA PAGTRANSPORT NG KRUDO

Published

on

Banga – Arestado dahil umano sa ilegal na pagtransport o pagbiyahe ng krudo ang isang lalaki alas 9:00 kagabi sa Jumarap, Banga.

Nakilala ang naarestong si Lucio Frias, 51 anyos ng Tabayon, Banga.

Sa joint operation ng CIDG at Banga PNP, sinasabing nahuli sa akto ang suspek habang ibinabiyahe ang 37 container ng krudo sakay ng multicab.

Dahil dito, kaagad inaresto si Frias at ikinustodiya ng CIDG, habang kinumpiska naman ang mga nasabing krudo para sa karampatang disposisyon.

Kasong paglabag sa PD 1865 o Illegal Trading and Transporting of petroleum products ang kakaharapin ng nasabing suspek.

Nabatid na matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang gawain ni Frias at posibleng ididilever niya kagabi sa kanyang mga kliyente ang mga ibinyahe niyang krudo.

Dagdag pa nito, nabatid na naaresto rin dati ang suspek dahil umano sa ilegal na pagbibenta ng bote-boteng gasolina.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *