Connect with us

Aklan News

BRGY. MANOCMANOC, MAY 13 BAGONG KASO NG COVID

Published

on

Photo| Brgy. Manocmanoc, Boracay Island FB Page

Umakyat na sa 46 ang active cases ng COVID-19 sa Manocmanoc dahil sa 13 bagong kasong naitala ngayong araw.

Ayon kay Punong Barangay Nixon Sualog, mula sa Sitio Ambulong ang 8 sa mga ito, habang 5 naman ang mula sa Zone 1.
Sinabi ni Nixon na nagkaroon ang mga ito ng close contact sa dati nang nagpostibo sa sakit pero ang lahat ng ito ay pawang asymptomatic.

Naka-isolate na ang mga ito sa Hennan Resort at nakatakdang dalhin sa COVID-19 facility sa mainland.

Mamayang hapon, magkakaroon aniya sila ng zoom meeting para pag-usapan kung dapat ba na magpatupad ng surgical lockdown sa lugar.

Inamin rin ni Sualog na ubos na ang kanilang pondo para sa pagpapatupad ng lockdown.

Base sa Malay Inter-Agency Task Force Against COVID-19 latest health bulletin, 46 na ang active cases sa lugar, 60 ang mga nakarekober at 1 ang namatay.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.