Connect with us

Aklan News

LOCKDOWN SA ZONE 1 NG BRGY. YAPAK, TATANGGALIN NA MAMAYA

Published

on

Nakatakda nang magtapos ang 14-day surgical lockdown sa Zone 1 ng Barangay Yapak.

Batay sa abiso ng LGU Malay, tatanggalin na simula 11:59 ng gabi ng April 29, 2021 ang surgical lockdown sa nabanggit na lugar.

Babalik na rin ang quarantine classification sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Pero paalala ng lokal na pamahalaan sa publiko na sumunod pa rin sa mga ipinapatupad na mga sumusunod sa Boracay Island.

1. Ang operation ng mga bars ay bawal pa rin. Ang mga restobars ay limitado muna sa kanilang restaurant services.
2. Bawal pa rin ang restaurants at food parks na may live shows at music.
3. Ang pagsasabong at operation ng mga sabungan ay bawal pa rin.
4. Bawal pa rin ang Non-essential gatherings (parties at celebrations).
5. Ang curfew hours ay mananatili pa rin sa 11:00PM – 4:00AM.
6. Kailangan pa rin ang pagsusuot ng face masks at face shield sa lahat ng oras habang nasa labas.
7. Ang seating capacity ng simbahan ay limitado lamang sa 30%.
8. Panatilihin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards.

Sa pinakahuling datos ng Malay Inter-Agency Task Force Against COVID-19, mayroong 66 active cases ngayon sa Malay dahil sa 7 dumagdag sa listahan kahapon.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.