Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGBIBISEKLETA, BUMANGGA SA STOCKPILE NG PHIL.FIBER, SUGATAN

Published

on

Numancia – Isinugod sa ospital ang isang lalaking nagbibisekleta sanhi ng mga tinamong sugat sa ulo at mukha matapos aksidenteng bumangga alas 11:00 kagabi sa stockpile ng Phil. Fiber Optic Cable Network sa highway ng Bulwang, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Romualdo Joaquin Ong, 20 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nagbibisekleta galing Kalibo at pauwi na sana ang biktima, subalit hindi umano nito nakita ang nasabing stockpile sa kalsada, rason na bumangga ito doon.

Dahil dito, sumemplang ang bisekleta na ikinasugat ng biktima at nahilo.

Suwerte naman itong nadaanan ng MDRRMO Numancia at ginamot bago dinala sa ospital.

Nabatid na madilim ang lugar na pinangyarihan ng insidente, at walang nakalagay na warning device sa hukay ng Phil. Fiber.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *