Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ILLEGAL NA PAGMAMAY-ARI NG BARIL AT BALA, DATING ARMOURED CAR ESCORT, ARESTADO

Published

on

Banga – Arestado ang isang dating armoured car escort dahil umano sa illegal na pagmamay-ari ng baril at bala sa mismong pamamahay sa Zone 2, Venturanza, Banga kahapon alas 5 ng hapon.

Nakilala ang naarestong si Roberto Rocio, 60 anyos ng nasabing lugar.

Sa bisa ng isang Search Warrant, hinalughog ng mga taga Aklan Intelligence Operatives, ang bahay ng suspek kung saan narekober mula sa aparador na nasa loob mismo ng kanilang kuwarto ang isang Caliber 9mm pistol Norinco na may Serial No.100786, at 1 magazine nito na may 7 bala.

Kasunod nito, kaagad siyang inaresto at pansamantalang ikinustodoya sa Banga PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions na isasampa laban sa kanya.

Kaugnay nito, aminado naman ang suspek sa kanyang pagkakamali, subalit sinabi nitong pangdepensa lamang niya ito sa kanyang sarili dahil sa mga banta umano sa kanyang buhay noong chairman pa siya ng Kilusan ng mga Magsasaka.

Dagdag pa nito, hindi naman umano niya ito ginagamit sa pangha-harass ng mga tao sa kanilang lugar, o maging nagpapaputok.

Bagama’t naka apat na beses na umano niyang narenew ang mga papeles ng kanyang baril, aminado naman ang suspek na expire ang kanyang lisensya dahil hindi na niya ito naasikaso dahil sa narin umano sa problemang dulot ng pandemya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *