Connect with us

Aklan News

2 PALAPAG NA ABANDONADONG BAHAY, NILAMON NG APOY

Published

on

Tinupok ng apoy ang isang abandonadong bahay kaninang ala 1:30 ng madaling araw sa Sitio Guba, Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang may-ari ng 2 palapag na bahay na si Glenn Carlos, 60 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng BFP (Bureau of Fire Protection) Kalibo, narinig umano mismo ni Glenn ang pagkahol ng nakatali nilang aso doon sa abandonadong bahay, kung kaya’t kanya itong tiningnan.

Doon na rin umano niya nakitang nasusunog na ang likurang bahagi ng bahay kung kaya’t dali-dali niyang niligtas ang aso.

Base pa sa imbestigasyon, aminado naman si Glen na sinigaan niya bandang alas 6:00 kagabi ang patay na kahoy ng Rambutan mga 2 metro ang layo sa nasabing bahay na posibleng pinagmulan ng sunog.

Samantala, kaagad namang rumesponde ang mga bombero ng BFP Kalibo sa sunog hanggang sa maapula ang apoy.

Maliban sa 2 alagang manok doon na nasunog, wala namang nasugatan sa insidente na nag-iwan ng tinatayang P20, 000.00 na halaga ng pinsala.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *