Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ILLEGAL GAMBLING, ARESTADO

Published

on

Arestado alas 8:30 kaninang umaga sa Poblacion, Libacao ang isang lalaking kinasuhan dahil umano sa ilegal na sabong.

Nakilala ang akusadong si Ariel Idala, 37 anyos ng Oyang, Libacao na sinilbihan ng kanyang warrant of arrest na may criminal case 3530-L.

Ibinaba ito ni Presiding Judge Lollie Ureta Villaruel, MCTC 6th Judicial Region Banga-Libacao-Madalag nitong nakaraang April 23, 2021.

Dahil dito,pansamantala siyang dinala sa Libacao PNP Station para sa karampatang disposisyon.

P30, 000.00 naman ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nabatid na kasamahan rin ni Ariel ang apat naunang sinilbihan ng warrant of arrest nitong nakaraang April 19, 2021 sa bayan din Libacao dahil sa ilegal na sabong noong nakaraang taon (March 2020) sa Manika, Libacao.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *