Connect with us

Aklan News

LALAKI, PINAGSASAKSAK NI UTOL

Published

on

Makato-Nakalabas na mula sa kustodiya ng Makato PNP alas 2:30 kahapon ang suspek sa pananaksak mismo ng sariling kapatid alas 9:30 nitong nakaraang gabi sa Tina, Makato.

Nakilala ang biktimang si Andrew Ude, 33 anyos at ang kapatid niyang suspek na si Mark Ude, 31 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, nauwi sa diskusyon ang pag-iinuman mismo ng magkapatid kung saan umano’y umuwi ang suspek at kumuha ng patalim.

Binalikan umano nito ang kanyang kuya at pinagsasaksak sa iba’t-ibang parte ng katawan rason ng mga tinamo nitong sugat.

Kaagad siyang isinugod sa ospital, habang kaagad namang naaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Makato PNP Station.

Samantala, nabatid na hindi na umano magsasampa ng kaso ang biktima sa kanyang kapatid kung kaya’t pinalabas na ito ng Makato PNP.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *