Connect with us

Aklan News

KAPATID, PATAY SA PANANAKSAK NG KUYA

Published

on

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang nakatatandang kapatid, Linggo dakong alas 5:45 ng hapon sa Tambuan, Malinao.

Kasong Homicide ang isasampa laban sa suspek na si John Brian Albaceno, 36 anyos na kapatid sa ina ng biktimang si Carlo Igcas, 26 anyos, mga residente ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Malinao PNP, magkasamang nag-iinuman ang magkapatid sa bahay ng kanilang tiyahin nang mag-ungkatan umano ang mga ito ng dati nilang sama ng loob sa isa’t-isa.

Ngunit may dala palang patalim ang suspek na ginamit nito sa pagsaksak sa kanyang kapatid bago mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay, habang inaresto kinalaunan ng Malinao PNP ang suspek matapos itong isurrender ni dating Tamboan Barangay Captain Joyce Salazar, kung saan umano siya sumuko matapos ang krimen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *