Connect with us

Aklan News

JEEP, BUMANGGA SA TRUCK AT KAHOY MATAPOS PUMUTOK ANG GULONG, 4 SUGATAN

Published

on

Photo| Malbert Dalida

Altavas – Apat ang sugatan matapos aksidenteng bumangga sa truck at kahoy ang isang jeep bandang alas 9:45 kaninang umaga sa highway ng Dinaut, Man-up, Altavas.

Nakilala ang mga biktimang sina Nelian Alba, 52 anyos, Josie Jane Valles, 32 anyos at ang 6 na taong gulang nitong anak na babae, at Jose Valles, 64 anyos, lahat residente ng Poblacion, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, galing sa Lonoy, Roxas City at pauwing Banga ang mga biktima nang pumutok umano ang kaliwang gulong ng kanilang sinasakyang jeep, rason na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Roel Nobleza, 40 anyos ng Kasit-an, Libacao.

Sanhi nito, bumangga muna sila sa kaliwang gilid ng truck na minamaneho naman ni Cornelio Rivero, 31 anyos ng Pangao, Ibaan, Batangas, na papunta naman ng Iloilo bago bumangga sa isang punong kahoy doon.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa kani-kanilang katawan ang mga biktima na kaagad namang isinugod sa ospital.

Kapwa rin nagtamo ng pinsala ang mga nasabing sasakyan sanhi ng aksidente na nauwi naman sa areglo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *