Connect with us

Aklan News

8 ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting Law of 1974 ang 8 naaresto dahil ss ilegal na sabong ala 1:45 kahapon ng hapon sa Mambuquiao, Batan.

Nakilala ang mga naarestong sina Manuel Astrolavio, 48 anyos, Elmo Torres, 48 anyos, Perlito Bartolo, 64 anyos, Rodgie Salvador, 30 anyos, Regie Morados, 39 anyos, Raymond Policarpio, 22 anyos at Jailo Padasas, 41 anyos, lahat residente ng nasabing lugar

Sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation ng Batan PNP, narekober din ang 4 na mga panabong na manok, 6 na tari at kabuuang P1,025.00 na pera.

Kasunod nito, kaagad ikinostodiya ng Batan PNP ang mga naaresto habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila.

Bukod sa may ‘look out’, sinasabing palipat-lipat din umano ng lugar at paiba-iba ng araw ng pagsabong ng nasabing grupo kung kaya’t naging pahirapan sa mga pulis ang pagsawata sa nasabing ilegal na aktibidad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *